Patay sa enkwentro ang notorious at top NPA leader laban sa operasyon ng militar sa Sitio Pung-uy, Barangay Masaya, Buenavista Quezon, kaninang alas-4:00 ng madaling araw .

Kinilala ni 2nd Infantry Division Commanding General Maj.Gen. Greg Almerol ang napatay na NPA leader na si Ronnel Batarlo alias Marwin.

Si Batarlo ay napatay habang nakikipag sagupaan sa mga sundalo kung saan tumagal ng 45 minuto ang labanan.

Nakarekober ang militar ng isang M16 rifle at M203 grenade launcher sa encounter site.

-- Advertisement --

Sinabi ni Almerol na ang nasabing NPA groups ay siyang responsable sa ibat ibang terroristic activities at pananambang sa Barangay San Juan sa San Narciso, Quezon nuong nakaraang taon.

Kinumpirma din ni Almerol na isang sundalo ang sugatan sa nasabing sagupaan.
Binigyang-diin ng heneral na kung tumalima lamang sa panawagan ng gobyerno itong mga NPA terrorists ay sana hindi nangyari ito sa kanila.

” We therefore encourage the rest to surrender and return to the folds of the law before its too late,” wika ni Almerol.

Siniguro naman ni Almerol na lahat ng available assets ng militar ay nakahanda sakaling kakailanganin.

Nagpapatuloy din ang hot pursuit operations ng militar laban sa mga komunistang terorista na nag-ooperate sa Quezon province.