CAGAYAN DE ORO CITY – Timbog ng pulisiya ang sinasabing notorious criminal sa isinagawang drug buy bust operation sa Pabayo RN Abejuela St. Cagayan de Oro City.

Kinilala ang suspect na si Louie Chua.

Nakumpiska sa suspect ang limang sachet ng pinaniniwalaang shabu, granada, cellphone at P500 na marked money.

Sinabi ni Police Captain Mario Mantala, hepe ng Crime Against Persons and Property Desk (CAPPD) na maliban sa pagtutulak ng droga, si Chua ay sangkot din sa serye ng robbery sa lungsod, paghoholdap sa Dok Alternabibo sa Valencia City Bukidnon at pasahero ng multicab sa Caraga region.

Sa ngayon ay nakaditine na ang suspect sa Maharlika detention cell habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.