Tinambakan ng Batang Pier ang TNT 110-86 sa kanilang paghaharap sa PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo si Stanley Pringle na nagtala ng 22 points.

Nag-ambag naman ng 21 points si rookie player Robert Bolick habang ang import ng Batang Pier na si Prince Ibeh ay nagtala ng 18 points at 20 rebounds.

Labis ang kasiyahan ni North Porth coach Pido Jarencio dahil sa halos perpekto ang kanilang ipinatupad na depensa.