NorthPort
PBA photo

Tinambakan ng Northport ang San Miguel Beermen 121-88 sa kanilang paghaharap sa PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo ng koponan si Robert Bolick na nagtala ng 25 points, pitong rebounds habang mayroong 18 points, 11 rebounds at dalawang blocks si Prince Ibeh at tig 16 points naman sina Garvo Lanete at Jonathan Grey.

Dahil sa panalo ay mayroon ng apat na panalo at isang talo ang Northport.

Ayon naman kay NorthPort coach Pido Jarencio, na maaaring nasa vacation-mode pa rin ang Beermen dahil sa naging maiksi ang pahinga nila mula ng makuha nila ang kampeonato noong nakaraang conference.