Reading Time: 1 minute
NorthPort
PBA photo

Nakuha ng NorthPort ang pangalawang sunod na panalo matapos talunin ang Magnolia 102-99 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Pinangunahan ni Sean Anthony ang panalo na nagtala ng 22 points habang mayroong 16 points si Paolo Taha.

Nag-ambag naman ng tig-14 points sina Mo Tautuaa at Jonathan Grey.

Sinabi naman ni NorthPort coach Pido Jarencio na nasa kaniyang koponan ang determinasyon na makuha ang panalo.