Reading Time: 1 minute
NorthPort
PBA photo

Naging sulit ang ginawang paghahabol ng NorthPort matapos talunin sa overtime game ang Rain or Shine 107-105 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Umabot pa kasi sa 25-points ang kailangang habulin ng NorthPort para dalhin ang laro sa OT.

Naging bida sa panalo si Mo Tautuaa na nagtala ng 34 points habang mayroong 22 points naman si Robert Bolick.

Ito na ang pangatlong sunod na panalo ng NorthPort matapos na i-trade nila si Stanley Pringle sa Barangay Ginebra para kina Sol Mercado, Kevin Ferrer at Jervy Cruz.

Sinabi naman ni NorthPort coach Pido Jarencio na hindi nila akalain na mananalo sila dahil halos pitong manlalaro lamang isinabak nila.