-- Advertisements --

Sa gitna ng naranasang COVID-19 wave sa North Korea, iniulat naman ngayon ng socialist state ang epidemiya ng isang unidentified intestinal disease.

Nagpakalat na ang North Korea ng medical crews at epidemiological investigators sa probinsiya na nakakaranas ng outbreak ng naturang intestinal disease.

Aabot sa 800 pamilya ang tinamaan ng tinatawag na “acute enteric epidemic” sa North korea na nakatanggap na ng lunas sa South Hwanghae Province, 75 milya sa timog na bahagi ng capital na Pyongyang.

Ang Enteric ay tumutukoy sa gastrointestinal tract kung saan batay sa mga opisyal ng South korea ito ay maaring isang uri ng cholera o typhoid.

Unang naiulat ang outbreak ng sakit noong Huwebes na nagpalala sa kinakaharap ngayon ng North korea na kakulangan ng pagkain at wave ng COVID-19 infections.

-- Advertisement --

Samantala, idineklara ng North Korea ang explosive outbreak ng COVID-19 sa kanilang bansa matapos na makapagtaal ng mahigit 2 million kaso ng tinawag nilang “fever” o lagnat sa halos mahigit isang linggo lamang.