Reading Time: 1 minute

GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude-5.3 na lindol ang North Cotabato nitong gabi.

Sa inilabas na earthquake advisory ng Phivolcs, alas-8:37 ng gabi nang mangyari ang pagyanig sa 8 kilometers southwest ng Makilala sa nasabing probinsya.

Bukod dito, ang lindol ay tectonic ang origin at may lalim na 5 kilometers.

Kasabay ng naturang lindol ay naramdaman rin sa General Santos City ang naturang pagyanig.

Intensity 4 naman ang naitala ng Phivolcs sa Kidapawan City.

Inaalam pa ng mga otoridad kung mayroong naitalang pinsala dito sa lungsod bunsod ng nasabing pagyanig kung saan aasahan ang mga aftershocks.