Inanunsyo ni Makati City Mayor Abby Binay na maging ang mga empleyado ng lahat ng registered na negosyo na hindi residente ng lungsod ay kasama sa kanilang COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Binay, ang P1-billion budget nila para sa pagbili ng COVID-19 vaccines at mga bakunang binili ng national government para sa lungsod ay sapat para maisama ang lahat ng Makati-based business, mula micro, small, and medium enterprises hanggang sa mga malalaking kompanya.

-- Advertisement --

“We are confident we will have enough to cover our essential workers who keep businesses running,” saad ni Binay.

“We will use the number of employees declared by the businesses in their business permit applications as basis for the number of employees who will be vaccinated for free. This is our way of helping our economic frontliners,” dagdag pa nito.

Para makasama sa COVID-19 vaccination program ng lungsod, sinabi ni Binay na kailangan mayroong 2021 business permit at up-to-date sa kanilang mga binabayarang buwis ang mga kompanya.

Pero hindi na isasama aniya sa innoculation ang mga kompanya na bumili na ng bakuna para sa kanilang mga empleyado.