Kat De Castro
-- Advertisements --

Pinabulaanan ng anak ni dating Vice President Noli de Castro na ito ay pumanaw.

Kumalat kasi sa social media ang balita ng pagpanaw ni de Castro kung saan ito daw umano ay nadulas at nabagok ang ulo.

Ginamit pa ng pekeng social media account ang larawan ni Kat at ama maging si Ted Failon.

Sa kaniyang Facebook ay nagpost si Kat na kasama ang ama na katatapos lamang manghapunan.

Pinasalamatan nito ang lahat na nag-report sa nasabing malisyosong post.

-- Advertisement --

Huling nakita ang 72-anyos na si de Castro mula ng i-withdraw niya ang kaniyang kandidatura sa pagka-senador.