-- Advertisements --

Hindi na papahintulutan ng Commission on Elections (Comelec) ang substitution para kay Senator Christopher “Bong” Go, na kaninang umaga lang ay inanunsyo na siya ay aatras na sa presidential race.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, dahil voluntary withdrawal ang ginawa ni Go, hindi na ito papayagan na magkaroon pa ng substitution.

Kailangan din aniyang personal na humarap si Go sa tanggapan ng Comelec para isapormal ang withdrawal nito sa 2022 national elections.

Pero dahil ngayong araw ay 158th birth anniversary ni Andres Bonifacio, sarado ang opisina ng Comelec.

Magugunita na na dati nang binawi ni Go ang kanyang kandidatura sa halalan sa susunod na taon, pero iyon ay para sa vice presidential race.