-- Advertisements --

Kinumpirma ng Chinese health authorities na wala na umanong bagong kaso ng coronavirus sa Hubei Province kung saan nagsimula ang krisis na ngayon ay nararanasan na ng buong mundo.

Ito ang kauna-unahang beses na walang naitalang bagong kaso ng virus sa nasabing probinsya simula noong Enero.

Ngunit ayon sa health authorities, 34 na bagong kaso ang naitala mula sa iba’t ibang lugar sa China kung kaya’t umakyat ang bilang ng 80,928.

Dagdag pa ng mga ito na karamihan sa mga bagong kaso ay mula sa mga taong pumapasok sa China.

Pumalo naman sa 3,245 ang bilang ng mga namatay sa Hubei dahil sa COVID-19.