Reading Time: 1 minute
NLEX ROAD WARRIORS 1
NLEX/ PBA IMAGE

Nalusutan ng NLEX Roadwarriors ang Phoenix Fuel Masters 87-85 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Naging bida sa panalo ng NLEX ang import nilang si Olu Ashaolu na nagtala ng 17 points at 17 rebounds.

Pinuna naman ni NLEX coach Yeng Guiao ang mga game official matapos na ito ay mapalabas sa playing court sa natitirang 42 seconds.

Mayroong 3-8 win-loss record ang NLEX habang mayroong apat na panalo at pitong talo ang Phoenix.

Nasayang naman ang ginawang 20 points ni RJ Jazul para sa Phoenix.