Tinambakan ng NLEX Road Warriors ang Alaska Aces 91-70 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Hindi naging sagabal sa NLEX ang ipinataw na ejection sa coach nilang si Yeng Guiao dahil sa palagiang pagrereklamo sa mga referees sa second quarter

Nanguna naman sa panalo si JR Quinahan na nagtala ng 14 points, pitong rebounds at tatlong steals.

Mayroon ding 14 points si Bong Galanza at 10 points naman ang naitala ni Jansen Rios.