Poy Erram
Poy Erram/ PBA image

Inanunsiyo ng NLEX Road Warriors ang paglipat ng kanilang center na si Poy Erram sa 3-team deal.

Unang naiulat na lilipat si Erram sa TNT Ka Tropa habang ililipat ng TNT si Marion Magat sa BlackWater Elite kapalit ang first round pick.

Ipapalit naman ng Elite ang first round pick at Anthony Semerad sa NLEX kapalit ni Erram.

Makukuha naman ng Blackwater si Ed Daquioag at isa pang first round pick.

Sa inilabas na pahayag ng koponan, hindi nila binabalewala ang naging kontribusyon ni Erram.

May average na 10 points, 6.7 rebounds at 2.2 blocks si Erram na naging malaking tulong para makuha ng koponan ang unang puwesto noong 2019 PBA Governors’ Cup.