Dagupan City– Desidido ang National Irrigation Administration o NIA Region 1 na tuluyang maging ISO Certified ang kanilang tanggapan.

Ayon kay NIA Region 1 Public Relations Officer Oscar Navata, kahit mahirap ay pursigido ang lahat ng tauhan ng tanggapan upang makamit ang naturang pagkilala dahil hindi lang para sa kanila aniya ito kundi para din sa mga serbisyong kanilang maibibigay.

Paliwanag pa ni Navata, sa oras na matapos na ito ay magiging madali na ang mga proseso, mas mapapaganda pa ang mga irrigation facilities na kailangan sa pagpapatubig na mas makakatulong pa sa mga magsasaka.