-- Advertisements --
eduardo guillen

Napaamin si National Irrigation Administration (NIA) acting chief Eduardo Guillen na mayroong korupsiyon sa ahensiya.

Ito ay matapos gisain ni Senator Raffy ang opisyal sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee sa umano’y iregularidad sa irrigation projects.

Hindi naman nakuntento ang Senador sa paligoy-ligoy na sagot ng NIA official nang sabihin nito na mayroong lapses sa loob ng ahensiya.

Saad ng Senador na magkaiba usapin ang lapses at korupsiyon.

Kayat nang muling tinanong ng Senador ang opisyal kung may korupsiyon sa NIA, doon na napaamin ang opisyal kung kayat inaayos na umano ang kanilang sistema.

Pagdating din aniya sa mga anomaliya sinabi ng NIA official na kailangan ng malalimang imbestigasyon ukol dito.

Sa kabila nito inamin din ni Guillen na mayroong mga naantalang proyekto ang NIA kabilang na ang Balog Balog dam sa lalawigan ng Tarlac na inisyatibo noong termino ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Subalit naisyuhan na kaagad ang mga contractor ng catch up plan.

Ipinaliwanag naman ni dating NIA administrator Retired General Ricardo Visaya na naantala ang proyekto dahil sa ilang isyu kabilang ang pagtutol ng mga residente sa konstruksiyon ng high dam sa kanilang lugar.