Nanawagan ngayon sa gobyerno ang power transmission service provider ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga concerned national and local government agencies na suportahan ang pagpapatupad o implementasyon ng Batangas-Mindoro Interconnection Project (BMIP), kung saan orihinal na nakaiskedyul ito para makumpleto sa Setyembre 2027, ngunit mabilis na fast-tracked hanggang Disyembre 2025 ng Department of Energy.
Nakatanggap lamang ng provisional approval ang NGCP mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) noong Pebrero 2023 para ipatupad ang proyekto na may halagang P14.03 billion.
Kamakailan ay inihayag ng DOE ang pangako ng NGCP na kumpletuhin ang BMIP project sa 2025, dalawang taon lamang para sa isang malaking interconnection project.
Paliwanag ng NGCP na sa kanilang 2023 application na inihain sa ERC nakalagay taong 2027 pa makumpleto ang proyekto.
Aminado ang NGCP na napaka tight ang timeline lalo na sa ganitong kalaking proyekto.
“We understand and support the direction of the DOE in these and other critical projects. There is zero room for any delay with the usual chokepoints – right-of-way and the issuance of permits from local governments and other government agencies,” NGCP explained.
Sa kabilang dako, inilapit na ng NGCP ang kanilang alalahanin sa DOE hinggil sa right-of-way acquisition and processing ng mga permits mula sa local government units at sa ibang government agencies.
“Assuming that the project incurs no delay in permitting and right of way, and assuming no restraining orders are issued against the project by the courts, the timeline imposed by the DOE is, again, still very tight, even with government support. We will exert all efforts to finish the project at the soonest time possible”, pahayag ng NGCP.
Kasalukuyang nakakaranas ng pagkaputol ng kuryente ang Mindoro dahil sa pasulput-sulpot na supply ng kuryente at mahal na halaga ng kuryente.
Nakilala rin ang lalawigan ng Mindoro bilang isa sa Competitive Renewable Energy Zones, na may potensyal para sa pamumuhunan sa renewable energy. Mahalaga rin ito sa nakaplanong interconnection sa ibang mga bansa sa ASEAN.