Pacquiao bacolod balato
Senator Manny Pacquiao (file photo)

Posible umanong maantala ang pagbabalik sa ring ni Manny Pacquiao dahil pa rin sa nararanasang epekto ng COVID-19 pandemic sa iba’t ibang dako ng mundo.

Sinasabing hangad sana ang 41-anyos na fighting senator na muling lumaban sa buwan ng July.

Kung tutuusin halos dalawang beses lamang sa isang taon ang pagkakataon sana ni Pacman (62-7-2, 39 KOs)  na lumaban lalo na kung walang sesyon ang Senado.

Huling lumaban si Pacquiao noon pang July 20 nang nakaraang taon nanag talunin si Keith Thurman para makuha ang WBA “super” welterweight title na ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.