Reading Time: 1 minute

Patuloy umanong nangangalap ng impormasyon ang Brooklyn Nets ukol sa umano’y pang-aatake ng kanilang player na si Rodions Kurucs sa kanyang dating nobya.

Bago ito, kusang sumuko sa pulisya ang 21-year-old small forward at nahaharap sa reklamong misdemeanor assault.

Sa report mula sa pulisya, inihayag ng 32-anyos na nobya ni Kurucks na nagkaroon daw sila ng pagtatalo ng NBA cager sa apartment ng huli sa Brooklyn noong Hunyo 27.

Nauwi raw ito sa pananakal at pananakit ni Kurucs.

Base sa ulat, binigyang-diin naman ng abugado ni Kurucs na wala raw nailabas na larawan hinggil sa umano’y assault, at hindi rin daw ito iniulat ng babae sa loob ng halos dalawang buwan.