Reading Time: 1 minute

Sumasailalim ngayon sa orientation ang mga baguhang senador na nahalal noong nakaraang May 2019 midterm elections.

Kabilang sa mga sumalang sa briefing sina Senators-elect Bong Go, Imee Marcos, Francis Tolentino at Ronald dela Rosa.

Maging ang kanilang staff ay binigyan din ng gabay sa mga gagampanang trabaho sa mataas na kapulungan ng Kongreso sa pagpasok ng 18th Congress.

Pinangunahan ni Senate secretary Atty. Myra Villarica ang aktibidad, habang naroon din si M/Gen. Jose Balajadia Jr. ng Senate Sergeant-at-Arms at iba pang nangangasiwa ng mga tanggapan.

Una nang sinabi ni Dela Rosa sa Bombo Radyo na mahalaga ang ganitong gawain upang mabigyan sila ng patnubay at ideya kung paano mabubuo ang mahahalagang panukalang batas na kanilang babalangkasin.