Sumabak na ngayong araw sa orientation seminar ang mga baguhang kogresista halos isang buwan bago ang pormal na pagbubukas ng 18th Congress.

Alas-8:00 ng umaga nang pormal na magsimula ang registration para sa mga neophyte congressmen sa South Wing Annex ng Batasang Pambansa sa Quezon City.

Sa seminar na ito ituturo sa mga baguhang mambabatas ang legislative process, ang trabaho ng mga legislative committee, parliamentary proceedires, at ang paggawa ng mga panukala.

Tatagal ang naturang seminar ng hanggang Hunyo 19, pero magkakaroon muli sa Hunyo 24 hanggang 26 at sa darating na Hulyo 1 hanggang 3.