Arestado ang isang negosyante na nagpanggap na isang police officer sa Muntinlupa City, kagabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Articles 177 at 179 ng Revised Penal Code of the Philippines.

Nakilala ang suspek na si Ephraim Agbuya, 40-anyos, isang negosyante at residente ng Grand Canyon South Parkhomes, Tunasan, Muntinlupa City.

Habang nagsasagawa ng patrulya sina PO1 Calvin Soriano, PO1 Jorge Lineses ng mamataan ang suspek na naka PNP athletic uniform habang papalabas sa isang drug store.

Nilapitan ng mga pulis ang suspek at tinanong kung miyembro
ito ng PNP.

-- Advertisement --

Nagpakilala ang suspek na police officer pero ng hiningan ng ID wala itong maipakita at sa kalaunan sinabing hindi siya pulis.