CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang negosyante na nahaharap sa patong-patung na kasong pagnanakaw sa District 2, Cauayan City.

Ang inaresto ay itinago sa pangalang Mila, 39 anyos, negosyante, walang asawa at residente ng Del Pilar, Alicia, Isabela.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Raul Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City sa kasong 16 counts of Qualified theft.

Makakalaya pansamantala ang suspek kapag naglagak ng piyansang kabuoang Php480,000.00 .

Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya bago ipasakamay sa court of origin.