Reading Time: 1 minute

CEBU – Patay ang isang Chinese national at kritikal naman ang dalawa nitong anak matapos tinambangan sa Purok 3, Barangay Cubacub, Lungsod ng Mandaue sa Cebu.

Kinilala ang mga biktima na si Yi Feng Guo Yang, 51-anyos na negosyante; at ang mga anak na sina Ginabelle Guo Yang, 18, at Stefhen Guo Yang, 16.

Isinalaysay ni Police Corporal Ryan Diamada, ang imbestigador ng Mandaue City Police Office-Station 6, na pauwi na sana ang mga biktima sa Vista Montana Subdivision, Barangay Cubacub sa nasabing lungsod, sakay ng kanilang L300 van nang bigla silang hinarang ng apat na kalalakihan na lulan ng dalawang motorsiklo at walang habas na binaril ang mga biktima.

Nirespondihan ng pulisya ang insidente at dinala ang mga biktima sa isang pribadong ospital ngunit idineklarang dead on arrival si Yi Feng.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang tatlong empty shell ng 9mm pistol, dalawang empty shell at isang live ammunition ng kalibre .45 na pistola, tig-isang itim na helmet at cellphone.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng pulisya ang krimen.