CENTRAL MINDANAO-Nasa maselang kondisyon ang isang negosyante sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Bjorn Dela Cruz Herrera,nasa tamang edad,may asawa,may-ari ng A&B plastic trading at residente ng Brgy Poblacion 5 Cotabato City.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Michael Lebanan na habang lulan ang biktima sa kanyang kulay puti na Toyota Fortuner sa bahagi ng SK Pendatun Avenue Brgy Poblacion 5 sa lungsod nang bigla itong dikitan ng riding in tandem suspect at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa di malamang direksyon lulan ng motorsiklo.

Agad naisugod ng mga nagrespondeng pulis ang negosyante sa Cotabato Medical Specialist Hospital ngunit kalaunan ay inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at nasa masilang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa Cotabato City sa pamamaril sa negosyante.