CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Rex Liboon, 42 anyos,may asawa at residente ng Purok Narra Barangay Numo Esperanza Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Esperanza PNP,na nakatayo lamang ang biktima malapit sa kanyang pwesto sa public market ng bayan ng Esperanza ng biglang lapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa labas ng palengke.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay ng magtamo ng tama ng bala sa dibdib at tagiliran ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay may mga anggulo nang iniimbestigahan ang Esperanza PNP sa pamamaril patay sa biktima.