CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang negosyante sa nangyaring pamamaril sa siyudad ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ramil ”Dodoy” Diero, residente ng Parang, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na habang lulan ang biktima sa kanyang Ford Ranger pick-up sa ND Avenue corner Parang road, Brgy. Poblacion 4 ng lungsod galing sa kasal ng kanilang kamag-anak patungong reception area nang biglang dikitin ng rading in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong town proper sakay ng motorsiklo.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pagpaslang sa negosyante at patuloy pa silang nag-iimbestiga.