-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring pamamaril sa isang negosyante sa harap mismo ng kanyang bahay sa Salvani St. Block 8 Baràngay City Heights nitong lungsod.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Melvin Empillo Romero, 40 taong gulang residente ng nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon nang dumating ang biktima sa kanilang bahay kasama ang asawa nito at mga anak mula sa pagsisimba ay nilapitan ito ng di kilalang lalaki at pinagbabarail.

Mabilis na tumakas sa lugar ang gunman sakay ng nakaabang na motorsiklo habang ang biktima ay kaagad namang naisugod sa pagamutan ng kanyang mga kapitbahay.

Narekober sa mga otoridad sa crime scene ang pitong empty shell ng 45 caliber pistol.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo GenSan sa asawa ng biktima na si Evelyn, inihayag nitong walang bisyo ang kanyang mister at tanging negosyo nila ang inaasikaso nito.

Nalaman na nagnenegosyo umano ng sex toys, ukay-ukay at may sari-sari store naman ang mag-asawa.