Isolation M1
-- Advertisements --

Sobrang depresyon umano ang posibling dahilan nang pagbigti ng isang negosyante sa loob ng isolation facility sa probinsya ng Cotabato.

Ang biktima ay residente ng Purok 5, Barangay Poblacion A, M’lang, Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na natagpuan na lamang na nakalambitin ang biktima sa kisame gamit ang kumot na itinali sa kanyang leeg sa isolation facility sa bayan ng M’lang at wala ng buhay.

Matatandaan na unang nagpositibo ang pasyente sa Coronavirus Disease (Covid-19) kaya ipinasok ito sa isolation facility.

Naka-quarantine rin ang ilang myembro ng pamilya nito, kamag-anak at mga kaibigan na kanyang nakasalamuha.

-- Advertisement --

Hindi umano kinaya ng biktima ang kanyang sinapit at personal na problema kaya kinitil nito ang kanyang sariling buhay.

Sa imbestigasyon ng pulisya wala namang silang nakitang foul play sa pangyayari.