Reading Time: 1 minute

Binawian ng buhay ang dalawa ka tao sa pamamaril sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Morakib Diron,40 anyos,maybahay ng isang pulis, ukay2x vendor at Althea Dimaampao Taup,5 anyos at mga residente ng Barangay Poblacion Parang Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Parang PNP na habang abala si Diron sa kanyang ukay-ukay store sa public Market ay bigla na lamang ito nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Parang.

Patay on the spot si Diron nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang ulo at binawian rin ng buhay ang 5 anyos na tinamaan sa ulo ng mga ligaw na bala.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaril patay sa negosyante at pagkadamay ng isang 5 anyos na bata kung saan nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.