Nakasentro pa rin ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa positibong aspeto ng monitoring para sa improvement ng consumer at employees welfare.

Ito ay sa halip na pagtuunan ng bigat ang isang hiwalay na survey na nagsasabing halos kalahati ng mga pamilyang Filipino ang naniniwalang mahirap sila o naghirap pa sa nakalipas na buwan ng Nobyembre.

Base sa SWS survey, tinanong umano nila ang nasa 1,500 respondents noong Nobyembre 21 hanggang 25, 2020.

Dito ay lumabas na 36% ang nagsabing nasa “borderline poor” sila at 16% naman ang nagsabing hindi sila naghihirap.

Noong nakaraang taon, 23% ang nagsabing pakiramdam nila ay naghihirap sila at 23% din ang hindi naghihirap.

Para sa NEDA, mahalaga ang iba’t-ibang pag-aaral, ngunit higit na kailangan ang pag-alam ng kalagayan ng konsumedores at mga manggagawa.

Ang gagawin ng NEDA ay isang follow-up sa naunang online survey noong Abril, sa kasagsagan ng lockdown.