Naka standby na ngayon ang emergency response team ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Ramon.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nakahanda na ang kanilang team para umayuda sa local disaster risk reduction and management office at nakipag ugnayan na rin sila sa mga local government units para sa gagawing paghahanda.

Nakapwesto na rin umano ang kanilang mga kagamitan kagaya ng rescue boats sa mga bahaing lugar at relief goods naman bilang ayuda sa mga magiging biktima ng Bagyo.

Nabatid na maagang nagsawa ng pre-disaster risk assessment ang NDRRMC para sa Bagyong Ramon, tatamaan kasi nito ang mga lugar na una nang napinsala ng Bagyong Quiel kaya’t magiging seryoso ang epekto nito.

Ayon sa PAGASA Lunes ng gabi o Martes ng umaga posibleng mag landfall ang Bagyong Ramon sa Cagayan.