Mananatiling naka-heightened alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) upang mapanatili ang peace and order situation sa buong Metro Manila hanggang sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa susunod na buwan.
Sa ngayon ayon kay NCRPO spokesman Lt. Col. Luisito Andaya Jr., nananatiling generally peaceful at manageable ang sitwasyon sa rehiyon at inaasahang magtatagal ito hanggang sa mismong SONA ng Pangulo.
Bagamat walang natatanggap na banta ang may kinalaman sa SONA, patuloy ang pagbabantay ng NCRPO sa sitwasyon sa rehiyon.
Una ng sinimulan ang pagpapakalat ng kanilang mga tauhan noon pa lamang abril bilang bahagi ng kanilang pinaigting na police visibility.
Magdedeploy naman ang NCRPO ng halos 23,000 police officers para magbantay sa araw ng SONA na gaganapin sa Batasang Pambansa complex sa lungsod ng Quezon sa Hulyo 24.