sinas1
NCRPO Director P/MGen. Debold Sinas

May hawak na mga bagong ebidensya ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa pamamaslang kay Bureau of Corrections (Bucor) Legal Chief Atty. Fredric Anthony Santos.

BuCor Fredric Anthony Santos
Atty. Fredric Anthony Santos during a hearing at the Senate (file photo)

Ayon kay NCRPO Director P/MGen. Debold Sinas ito ay ang bagong CCTV footage mula sa BuCor Compound kung saan makikita ang paglabas ni Santos sa Minimum Security Compound patungo sa Montessori school kung saan siya binaril.

Sinabi ni Sinas, hawak na rin ng NCRPO ang case folders ni Santos na inaasahang makatutulong ng malaki para sa pagresolba sa kaso.

Sa ngayon, hinihintay pa nila ang pamilya ni Santos para makipag-ugnayan sa mga imbestigador sa kaso.

Magugunitang nasuspinde si Santos matapos humarap nuon sa pagdinig ng senado kaugnay ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at nakatakda na sanang bumalik sa trabaho sa Marso kung hindi ito napaslang.

-- Advertisement --