Mahigpit na binilinan ni ational Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas ang kaniyang mga kapulisan sa pagbabawal sa paggamit ng mga cellphone at pagbabad sa social media.

Ayon kay Sinas, na dapat tutok ang mga ito sa kanilang trabaho.

Tiniyak naman nito na mahaharap ang mga ito sa mabibigat na kaparusahan sakaling makita na gumagamit ang mga ito ng social media o cellphone habang naka-duty sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.

Hindi rin aniya ito ipapatapon ang mga lumalabag na kapulisan sa Mindanao at mananatili ito sa Metro Manila para mapabilis ang imbestigasyon sa kanila.