Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa 15 rehiyon sa bansa na may pinakamaraming naitala na clustering ng COVID-19 cases sa kanilang mga komunidad.

Ibig sabihin, may higit sa dalawang kumpirmadong kaso na ng COVID-19 sa ilang lugar ng naturang mga rehiyon. Ang total ng binabantayang clustered cases ng DOH sa komunidad ay 379.

Batay sa tala ng Department of Health, as of July 8, sumunod sa NCR ang Central Visayas, Eastern Visayas at Calabarzon.

Sa mga health facilities naman, 46 na pasilidad mula sa 10 rehiyon ang may clustered cases. Nangunguna rin ang NCR na sinundnan ng Eastern Visayas, Bicol region, Central Luzon at Cordillera.

“We are experiencing an increase in the number of positive cases due to the increase in testing and community transmission. The increase has been gradual and our health system is able to cope with the increasing number of cases,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ang case doubling time o pagitan ng mga araw bago muling dumoble ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay 7.98-days.

“We were able to do this when we were given a window to ramp up our health system capacity during the first months of the ECQ and this has help us in our COVID response.”

Samantala ang reproductive number (R-Naught) naman ng coronavirus disease infection ng buong bansa, as of June 19, ay 1.26-percent. Sa NCR ay 1.02-percent, habang 1.03-percent sa Cebu City, as of June 17.

Una nang sinabi ni Vergeire, na kabilang ang clustering of cases sa mga dahilan kaya sumirit pataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na mga araw.

Naging dahilan din daw ang pagdami ng community transmission at ang increased testing capacity.