Inirerekomenda ng mga eksperto mula University of the Philippines (UP) na ituloy pa rin ng pamahalaan ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region at high-risk areas dahil sa COVID-19 pandemic.

Lumalabas sa pag-aaral na ginawa nila professor Guido David at Ranjit Rye, kasama si research associate Ma. Patricia Agbulos, na hindi pa rin sigurado ang curve flattening o tulyang pagbagal ng mga kaso ng sakit sa rehiyon.

“If quarantine decisions are solely based on disease transmission and other epidemiological risk factors, then based on the available data, we recommend that the national government continue the MECQ in NCR and consider the same in other high-risk areas,” ayon sa mga professor.

Indikasyon din daw ang pagbabalik taas ng mga bagong kaso ng sakit sa NCR, sa halip na tuluyang bumaba, para maging batayan nang pagpapanatili sa MECQ.

“Consistent with our previous recommendation, increased testing capability is important if we are to loosen restrictions. by fast tracking the accreditation of more laboratories, investing in training of more human resource, and ensuring timely and sufficient laboratory supplies.”

Sa labas ng NCR, bumaba na rin daw ang kaso ng sakit sa binabantayang Central Visayas, partikular na sa Cebu City at Mandaue City.

“The patterns reveal that both cities essentially are a single metropolitan area and should be managed as one in COVID-19 mitigation. Cebu City and Mandaue City are classified as medium-risk.”

Nitong Huwebes nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na isailalim na sa mas maluwag na general community quarantine ang NCR at iba pang lugar sa Pilipinas.