ROBREDO MAR 16 2
-- Advertisements --

Ipinag-utos na ng Department of Justice (DoJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang maling impormasyon o fake news na kumakalat ngayon sa social media laban kay Vice President Leni Robredo.

Nag-ugat ang isyu sa Facebook post na nagsasabing namahagi raw ng panis na pagkain ang kahapon sa mga workers ng Quezon City hospital.

Pagkatapos nito ay agad daw nagtungo ang tagapagsalita ng pangalawang pangulo na si Atty. Barry Gutierrez at kinausap ang mga staff na huwag nang magsalita at nag-alok din umano ng cash donations.

Pero pinabulaanan ito ng kampo ni Robredo at hiniling na maimbestigahan ang Facebook post.

Dahil dito, mahigpit ang direktiba ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa NBI na mag-establish ang mga ito ng sistema para ma-monitor ang pagkalat ng hindi tama at malisyosong impormasyon sa social media.

-- Advertisement --

Pinadedetermina rin ng DoJ ang pattern, habit or scheme ng nag-post sa maling impormasyon at ipreserba ang mga ebidensiya para sa posibilidad na pagsasampa ng kaso sa hinaharap.

Bukas naman daw ang DoJ kapag pormal nang humiling si Robredo ng legal action sa nagpakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.