Ipinag-utos na rin ng Department of Justice (DoJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na pumasok sa imbestigasyon sa pagkakapatay ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ang NBI Zamboanga raw ang mag-iimbestiga sa naturang insidente.

Aniya mg-iisyu ito ng Department Order para sa isasagawang imbestigasyon at bibigyan niya ng 10 araw ang NBI Zamboanga para makapagsumite ng kanilang initial report.

Una rito, sinasabing “on special mission” ang apat na sundalo kaya naka-civilian clothes ang mga ito.

Sakay sa SUV ang apat na sundalo ng masita sa checkpoint ng mga uulis at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Ang mga nasawi ay may ranggong majot, isang Army captain, isang sarhento at isang corporal.