Nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga witnesses na nakausap ni Bree Jonson pati na rin ang kasama nito na si Julian Ongpin bago pa man pumanaw ang naturang visual artists.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nakuha na ng NBI ang sworn statements ng mga kasama ni Jonson para sa parallel investigation na kanilang isinasagawa sa ngayon.
Magugunitang natagpuan na lang na wala nang buhay si Jonson sa isang kwarto sa La Union na tinutuluyan nila noon ni Ongpin.
Inilibing si Jonson sa Davao Memorial Park noon lamang Setyembre 30.
Samantala, sinabi ng NBI na kailangan pa nilang magsagawa ng karagdagang mga tests para malaman ang dahilan nang pagkamatay ni Jonson ito ay kahit pa tapos na ang autopsy sa katawan nito.
Tumanggi naman si Guevarra na banggitin kung ano ang findings ng NBI sa autopsy pero base sa imbestigasyon ng PNP naman nalaman na namatay si Jonson dahil sa asphyxia.