TUGUEGARAO CITY – Nag-iikot umano ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)-Region 2 para sa surveillance sa mga lugar na may impormasyon na may vote buying.

Ito ay bilang tugon sa kautusan ng NBI central office.

Hinikayat ni Atty. Gelacio Bongngat, director ng NBI-2 ang mga tumatawag at nagte-text sa kanila na nagsusumbong na may vote buying sa kanilang lugar na gumawa ng kanilang complaint affidavit at magpakita ng mga ebidensiya para sa case build-up.

Bukod sa vote buying, nagsasagawa din ng monitoring ang NBI sa mga report na presensiya ng armed groups sa Cagayan, Kalinga, at Isabela.