CEBU CITY- Tatanggapin at gagawin umano ng National Bureau of Investogion (NBI-7) sa abot ng kanilang makakaya ang pag-iimbestiga sa kaso ni Clarin MisOcc Mayor na si David Navarro.

Ito’y matapos ipinatanggal ni Presidente Rodrigo Duterte ang SITG Navarro at itinurn-over nito ang investigation sa NBI.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Tomas Enrile, ang regional director ng NBI-7 sinabi nito na dahil utos rin ito mula sa presidente, sisimulan nila agad ang imbestigasyon.

Napag-alaman na nasa Bicol ngayon ang director ngunit ipinaubaya na umano nito ang gagawin sa kanyang assistant. Uunahin umano nilang iinterviewhin ang pamilya ni Mayor Navarro para matumbok ang pinakamabigat at malakas na motibo sa pagpatay nito.

Habang, sinabi naman ni Cebu City Police Office Director Police Colonel Gemma Vinluan ang nanguna sa SITG Navarro na wala na silang further investigation.

Pati na ang pagtutok sa angulo ng robbery incident sa Mandaue City na una n ini-uugnay sa Mayor dahil leader di umano ito ng Alferez robbery group at kaya nagpunta dito Cebu ay para i-monitor ang naturang pagnanaw, ay ipapaubaya na rin nila sa NBI.