Reading Time: 1 minute
Tony Parker
Tony Parker/ IG post

Inanunsiyo na ni dating San Antonio Spurs star Tony Parker ang kaniyang pagreretiro sa paglalaro ng basketball.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa kaniyang social media account.

Sinabi nito na naging makabuluhan ang kaniyang buhay sa paglalaro sa NBA at sa French National Team.

Ang 37-anyos na French International player ay kabilang sa Spurs ng sila ay magkampeon mula 2003 hanggang 2014.

Taong 2001 ng ito ay ma-draft ng Spurs sa round 1 at ito ay lumipat sa Charlotte Hornets noong nakaraang taon.

Ikinasal ito sa modelong si Eva Longoria mula 2007 hanggang 2011 at ngayon ay kasal kay Axelle Francine.

Siya ay pang-siyam sa NBA na may pinakamataas na scoring na may kabuuang 4,045 points.