Nangako ang Boston Celtics na hindi na nila dadalhin sa susunod na laban ang mga pagkakamaling kanilang nagawa sa Game 4 ng Eastern Conference Finals.

Nitong Miyerkules ay nakatanggap na masaklap na pagkatalo ang Celtics sa Miami Heat sa kanilang serye, 112-109, kaya nabaon na ngayon ang Boston sa 3-1 deficit.

Aminado si Celtics swingman Jaylen Brown na kinapos ang kanilang diskarte kaya hindi nila napanindigan ang pangakong tatablahin na nila ang serye.

“The good thing is we have another chance and an opportunity to keep playing,” ani Brown. “I believe I’m a fighter to the end. That’s how a lot of our guys’ minds are wired, so we just have to come out and take it one game at a time.”

Hindi rin matanggap ni All-Star forward Jayson Tatum na inalat ito sa first half ng laro kaya walang naitalang iskor.

“I wish I did. Simple answer is just we’ve got to be better. We know what’s at stake, we know what’s on the line, and we’ve got to play a complete game.

“It’s win or go home time. I wish we would have played like that from the start. I take a lot of blame, you know, I didn’t play like myself in the first half. So I’ve got to be better to start the game off on both ends.”

Sinabi naman ni Boston All-Star Kemba Walker, wala silang magagawa kundi sikaping makabangon at magtala ng comeback.

“I just don’t think we attacked enough,” wika ni Walker. “I don’t think we were aggressive enough. We weren’t as aggressive as last game, so we have to get back to that.”

Kung si Celtics head coach Brad Stevens naman ang tatanungin, paplanuhin nila kung paano mas mapapaganda pa ang kanilang laro sa darating na Sabado, lalo pa’t batid nilang ito ay isa nang do-or-die game para sa kanila.

“The situation we are in, we’ve got to play well Friday. We don’t have to win three games on Friday. We have to win one. That’s going to be our focus, that’s going to be our attention, and we’ll get after it,” giit ni Stevens.