Aabot sa $25,000 ang ipinataw na multa ng NBA sa koponang Minnesota Timberwolves.

Ito dahil sa pagpapahing ng kanilang guard na si D’Angelo Russel sa laro nila sa Denver Nuggets nitong Linggo.

Kinokonsidera kasi ng NBA player resting policy na walang anumang sakit ang 24-anyos na dating Golden State Warriors player.

Mula pa noong ipasa ang nasabing panuntunan sa taong 2017 ay naging mahigpit na ang NBA sa pagbabantay sa mga koponan na basta ipinagpapahinga ang kanilang manlalaro ng walang dahilan.