Greece basketball
Greece basketball/ FIBA image

Pasok na sa second round ng FIBA Basketball World Cup ang Greece matapos malusutan ang New Zealand 103-97 sa Group F.

https://www.facebook.com/FIBAWC/videos/518574592251782/

Bumida sa panalo ng Greece si NBA Most-Valuable-Player Giannis Antetokounmpo na nagtala ng 24 points, 10 rebounds, 6 assists at dalawang steals.

Mula sa unang quarter ay hawak na ng Greece ang kalamangan na nagtapos sa 51-44 sa halftime.

Makakaharap ng Greece sa second round ang USA, Brazil at Czech Republic.