Nagbigay ng $10 million na donasyon para sa pagtatayo ng dalawang health clinics si NBA legend Michael Jordan.

Ang nasabing clinics ay itatayo sa Wilmington, North Carolina ang lugar kung saan isinilang ang dating Chicago Bulls star.

Inaasahan na matatapos ang nasabing pagamutan ng hanggang 2022.

Ilalaan ang nasabing pagamutan para sa mga mamamayan nitong hirap sa buhay.

Una ng nagbigay ng $7-M na donasyon si Jordan para maitayo ang isang familiy clinic sa Charlotte.

-- Advertisement --