-- Advertisements --

Nagngingitngit sa inis si NBA great Patrick Ewing matapos umano itong paulit-ulit na pahintuin at sitahin ng mga security personnel sa Madison Square Garden sa New York City.

Sa press conference matapos ang panalo ng hawak nitong team na Georgetown laban sa Villanova sa Big East tournament, isinalaysay ni Ewing na lagi na lamang daw itong pinapatigil ng security personnel ng MSG.

“I do want to say one thing, though. I thought this was my building,” wika ni Ewing. “And I feel terrible that I’m getting stopped, accosted, [people] asking for passes.

“Everybody in this building should know who the hell I am, and I’m getting stopped — I can’t move around this building. I was like, ‘What the hell? Is this Madison Square Garden?'”

Hindi pa malinaw sa ngayon kung sino sa mga security personnel sa MSG ang tinutukoy ng Hall of Famer.

-- Advertisement --

Kalaunan ay nakipag-usap naman kay Ewing ang may-ari ng Knicks na si James Dolan at pinatibay daw muli ang kanilang matagal nang ugnayan.

Kung maaalala ang 7-footer na si Ewing ay 11 beses hinirang bilang All-Star sa kanyang 15 seasons sa Knicks, at dalawang beses pang dinala ang koponan sa NBA Finals.