Poppovich FIBA
Spurs and USA Basketball team coach Gregg Poppovich, 71

Nangangamba ngayon ang National Basketball Coaches Association (NBCA) sa kinabukasan ng kanilang mga kasamahan dahil sa mahigpit na patakaran at guidelines sa gitna na rin ng COVID crisis.

Una nang nag-abiso ang NBA na babawasan ang mga miyembro ng mga team o staff na tutungo ng Orlando, Florida sa susunod na buwan para sa restart ng NBA season.

Ayon kina NBCA executive director Dave Fogel at president Rick Carlisle maaring hindi makasama sa muling pagbubukas ng NBA ang ilang assistant coaches at ilang head coaches dahil mga senior citizens na.

Halimbawa na lamang daw sina Houston Rockets Mike D’Antoni, 69; New Orleans’ Alvin Gentry, 65, at ang veteran coach ng San Antonio Spurs na si Gregg Popovich, 71.

Una nang naglatag ang NBA ng napakahigpit na 13-page health and safety protocols na ipinadala sa mga teams.

Tinukoy din ang mga high risk individuals na dapat sumailalim sa mga COVID measures.

Umaasa naman ang grupo na magkakaroon ng espesyal na arrangement o pag-waive para sa mga may edad na mga coach lalo na at napakahalaga sila sa laro ng mga teams na magsisimula sa July 30.

“The health and safety of all NBA coaches is our main concern,” pahayag pa ng NBCA sa ESPN. “However, we are also concerned with a coach’s opportunity to work and to not have their ability to secure future jobs be severely jeopardized. The league assured us that a coach will not be excluded solely because of age.”